Forum 2 of the 2016 TWSC Public Forum Series
Ito ang ikalawang forum ng 2016 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, “Anim na Tanong sa Anim na Taon: Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang Papalitang Rehimeng Aquino.” Tampok sila Dr. Aries A. Arugay ng Departamento ng Agham Pampulitika at Dr. Francisco J. Lara Jr. ng Departamento ng Sosyolohiya bilang mga tagapagsalita sa forum na ito. Si Dr. Arugay ay tatalakay sa mga inisyatiba–o ang kawalan nito–na baguhin ang mga institusyong pulitikal para mapaunlad ang mas malawakang partisipasyong pulitikal sa kanyang, “Institutions Matter! Redesigning Representation and Philippine Democratization.” Si Dr. Lara naman ay susuriin ang patuloy pa ring karahasan sa Mindanao sa kabila ng peace process sa kanyang, “Peace Processes and Resilient Conflict in Mindanao: Status and Perspectives.” Ginanap ang forum na ito noong ika-18 ng Pebrero 2016 (Huwebes), mula 2:00 hanggang 4:00 ng hapon, sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.
Forum 3 of the 2016 TWSC Public Forum Series
Ito ang ikatlong forum ng 2016 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, “Anim na Tanong sa Anim na Taon: Ang mga Agham Panlipunan at Pilosopiya at ang Papalitang Rehimeng Aquino.” Tampok sila Prop. Jesus Federico C. Hernandez ng Departamento ng Linggwistiks at Prop. Roberto D. Tangco ng Departamento ng Pilosopiya bilang mga tagapagsalita sa forum na ito. Tinalakay ni Prop. Hernandez ang kasalukuyang kalagayan ng ilang mga wika sa Pilipinas na nanganganib nang tuluyang maglaho sa kanyang, “Dapithapon ng Salita: Ang mga Nanganganib na Wika sa Pilipinas.” Si Prop. Tangco naman ay naglatag ng mga tanong para sa isang patapos ng administrasyon upang busisiin ang papel ng akademiko sa pagtataya ng mga pamahalaan sa kanyang, “What Can We Ask an Outgoing President Constitutionally Barred from Re-Election?” Ginanap ang forum na ito noong ika-16 ng Marso 2016 (Miyerkules), mula 9:30 hanggang 11:30 ng umaga, sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman.