Ang mga Isyu at Interes sa Pagpangalan ng UP College of Business Administration na Cesar E.A. Virata School of Business
Ang forum na “Marcos Pa Rin! Ang mga Isyu at Interes sa Pagpangalan sa UP College of Business Administration na Cesar E.A. Virata School of Business” ay ginanap noong ika-3 ng Hulyo 2013, mula 9 n.u. hanggang 12 ng tanghali, sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, UP Diliman. Tampok na mga tagapagsalita sila Dr. Judy Taguiwalo, Mr. Nelson Navarro, Dr. Eduardo C. Tadem, at Dr. Amado Mendoza Jr.
Pangako Sa ‘Yo: Kompensasyon sa mga Biktima ng Batas Militar
Ang “Pangako Sa ‘Yo: Kompensasyon sa mga Biktima ng Batas Militar” ay ikalawang forum ng sa 2013 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, “Marcos Pa Rin! Ang mga Pamana at Sumpa ng Rehimeng Marcos.” Ginanap ito noong ika-20 ng Setyembre 2013, mula 9:00 n.u. hanggang 12:00 n.t., sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City. Kinatampukan ang forum na ito ng mga tagapagsalita na sila Atty. Rodrigo C. Domingo Jr., Prof. Fe Mangahas (Claimants 1081), Ms. Rita Melecio (TFDP), Dr. Meynardo P. Mendoza (ADMU), Mr. Roberto Diciembre (Office of Rep. Kit Belmonte), at Ms. Karen S. Gomez Dumpit (CHR).
Ang Rehabilitasyung Pulitikal ng mga Marcos
Ang pampublikong forum na “Bonggang Bonggang Bongbong: Ang Rehabilitasyong Pulitikal ng mga Marcos” ay ginanap noong ika-28 ng Nobyembre, 2013 mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon sa Pulungang Claro M. Recto (Faculty Center Conference Hall), Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman, Quezon City. Ang forum na ito ay bahagi ng 2013 UP TWSC Public Forum Series na pinamagatang, “Marcos Pa Rin! Ang mga Pamana at Sumpa ng Rehimeng Marcos.” Sa forum na ito tinalakay ng mga tampok na tagapagsalita (Prof. Gerry Eusebio ng De La Salle University, Mr. Butch Hernandez ng The Eggie Apostol Foundation, Dr. Amado M. Mendoza Jr. ng UP Diliman Department of Political Science, at Dr. Ferdinand C. Llanes ng UP Department of History) ang panunumbalik sa kapangyarihan ng mga Marcos at ang maaaring maging epekto nito sa pagsusulat ng kasaysayan.
Pag Meron Ka Nito, Wala Kang Talo! Ang mga Abugado, ang Hudikatura, at ang Arkitekturang Legal ng Awtoritaryanismong Marcos
The public forum “‘Pag Meron Ka Nito, Wala Kang Talo! Ang mga Abugado, ang Hudikatura, at ang Arkitekturang Legal ng Awtoritaryanismong Marcos” was held last 15 January 2014 (Wednesday), from 1:00 to 4:00 PM at the Claro M. Recto Hall, Bulwagang Rizal (Faculty Center), College of Arts and Letters, University of the Philippines-Diliman. This forum is part of the 2013 UP TWSC Public Forum Series entitled, “Marcos Pa Rin! Ang mga Pamana at Sumpa ng Rehimeng Marcos.” The public forum featured speakers Froilan M. Bacungan, former Dean of the University of the Philippines College of Law, Raul C. Pangalangan, Philippine Daily Inquirer publisher and professor and former Dean of the University of the Philippines College of Law, and Marites Dañguilan-Vitug, Rappler Editor-at-Large. The public forum dealt with the role of the legal system and the institutions of law under the Marcos regime. It tackled in particular how the law came to legitimize and uphold Marcos’ declaration of martial law and the efforts made by lawyers’ groups to resist the dictatorship.
My Husband’s Lovers: Ang Pag-ibig at Pagkamuhi kina FM at Meldy mula sa mga Martial Law Babies hanggang sa Kasalukuyang Henerasyon
Ang public forum na “My Husband’s Lovers: Ang Pag-ibig at Pagkamuhi kina FM at Meldy mula sa mga Martial Law Babies hanggang sa Kasalukuyang Henerasyon” na ginanap noong 4 Pebrero 2014 sa Pulungang Claro M. Recto, Bulwagang Rizal, Kolehiyo ng Arte at Literatura, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, ay bahagi ng 2013 UP TWSC Public Forum Series na “Marcos Pa Rin! Ang mga Pamana at Sumpa ng Rehimeng Marcos.” Tampok na mga panauhin sa forum na ito sina Dr. Teresita G. Maceda ng Departamento ng Filipino at Panitikang Pilipino ng UP Diliman, G. Frank Cimatu, correspondent ng peryodikong Philippine Daily Inquirer at isa sa mga patnugot ng koleksyong Mondo Marcos, at Bb. Raissa Robles, correspondent ng peryodikong South China Morning Post at publisher at webmaster ng raissarobles.com.